Thursday, February 28, 2013

PANGARAP at GUSTO (May pinagkaiba ba?)

Dahil sa maraming bawal etoh na lang ang pwede kung gawin ang magsulat at mag-express ng aking mga hinaing sa buhay (naks! an lalim nun!). It's okay. At least may choice pa din ako kung ano ang dapat kung gawin. Its 2:00 PM. and I'm at work. Walang magawa, walang task, kaya natural walang ginagawa at eto nakatunganga. Pero habang nakatunganga, marami din ang pumapasok sa isip ko, tila sinasapian ng isang makata.

Sa ngayon iniisip ko kung ano ang kinabukasan ko. Mula nung maliit pa ako ako (maliit pa nga din pala ako, kaya let me rephrase the sentence, hehe) .... Mula nung bata pa ako, parang wala akong PANGARAP.. ano nga ba talaga ang pangarap ko?.. Minsan nga naiisip ko, TAO BA AKO?.. kasi lahat ng tao may pangarap.. Ano ba ang pinagkaiba ng PANGARAP sa GUSTO?.. kasi ako marami akong GUSTO.. Gustong mangyari sa buhay. Na at least may natupad naman. May mga planong hindi nagawa pero meron ding successful din naman. Ayon sa gusto kong mailimbag sa chapter ng aking buhay.

Dalawampu't tatlong taong gulang na ako. Gradweyt na sa kolehiyo. Merong matatag na trabaho. Merong saktong lovelife. Kumakain ng sapat at talong bese sa isang araw. Pero meron pa din talga akong gustong gawin sa buhay.

Una: Gusto kong maiahon sa hirap ang aking mga magulang, iyon lang naman. Magkaroon lang sila ng magandang bahay na matitirhan at magkaroon ng sapat na pera para sa kanilang mga pangangailangan, tama na siguro ang mga taong kanilang naranasang maghirap. Gusto ko silang magpahinga naman.

Pero paano ko ito gagawin?.. iyan ang lagi kung tinatanong saaking sarili. Sana nga ay matupad ko ang gusto kung iyon o mas maiiging sabihing pangarap kung yaon.

Ikalawa: Gusto ko maging independent, gusto ko magkaroon ng sapat na lakas ng loob para ako'y magtagumpay sa pinaplano kung negosyo. Siyempre para matupad ko ang una kong gusto. :)

At huli: Gusto ko magkaroon ng aking sariling masayang pamilya. Isang pamilyang kahit hindi marangya ay masagana. Isang pamilyang nagkakaisa. May mabait at masipag na tatay ang aking magiging mga anak. Yun lang (ang simple lang noh). Wala na din naman talaga akong pangarap pang yumaman ng sobra. gusto ko lang ng sapat at maaliwalas na buhay.. at iyon ay sapat na. :)

*kdot! . ;)
Shy

No comments:

Post a Comment